ang utak ko ay isa sa pinakakomplikadong parte ng aking katawan
ngunit malayong mas komplikado ang puso
kaya't ito'y aking pinatahimik ng dahan dahan
at hinayaang ang utak muna ang magpatakbo ng damdaming nakakatukso
isipin niyo nang kakaiba ako nung pinili ko ito
pero itong kaibahan na ito ay aking paninindigan
hindi ko ikinakahiya na ako'y lumayo muna sa gulo
ikinatutuwa ko pa nga na di muna ako masasaktan
maaari nga na maraming sa aki'y di makakaintindi
dahil nga naman sa panahon ngayon, uso ata ang umibig
pero aamin ako, minsa'y ninais ko rin ito
pero bago pa mahulog ang loob ay bumitaw muna ako
ngunit di niyo ba naisip na ilaan na lang ang sarili
sa taong sigurado kang mamahalin ka ano man ang mangyari?
di niyo ba naisip na masakit na
ang paulit ulit na paglaglag ng puso mo at ang madaliang pagsauli nito?
ikabibilib ko lamang ang taong makakapagsabi sa aking puso
na panahon na upang sumama ito sa pagpapatakbo ng buhay ko
pag ito'y mangyari na, sana nga yun na ang taong hinintay
ang taong binuo ng Panginoon para sa isang tulad ko
No comments:
Post a Comment