heto na naman ang ulan
tuloy tuloy ang buhos
sa daan ang tubig ay tuluyang umaagos
ngunit ang ulan ay parang walang planong lumisan
ako'y tumatakbong naghahanap ng sisilungan
dahil ang payong ay muli kong nakalimutan
paulit ulit ang mga tanong
saan ba may bubong? bakit ba naiwan ang payong?
basang basa na ako pagpasok ko
sa gusaling napuntahan pagkatapos kong tumakbo
saktong sakto, nadulas pa ako
napasigaw ako sabay nagulat
dahil sa aki'y may sumalo
nang tinignan ko kung sino
ang mukha ko'y namula ng todo
"ei, ok ka lang ba?" ang tanong mo
ako'y tumawang nagsasabi na badtrip ang ulan
sumagot ka naman ng "haha! sinabi mo.."
pinaupo mo ako bago ka umalis
di ka manlang nagsabi ng paalam
pinagmasdan kitang naglalakad papalayo
habang dahan dahan akong tumayo
tumigil na ang ulan at paalis na ako
kinuha ko na ang gamit ko
at nagsimula na rin akong maglakad
ngayon ay nag-ingat na ako
bigla akong nahiya nung naalala ko ang nangyari
bakit sa harap mo pa ako'y pumalpak
sabay akong napahalakhak
di manlang pala ako nagpasalamat
hay..titigan na naman kita kahit malayo
iisipin pa rin kapag nagiisa ako
ngingiti tuwing pagdaan mo
at mangangarap na muling mapansin mo
wala lang..umulan kase..nadulas ako.. sheesh.. haha! :)
may pasok na uli bukas... hay.. back to school and back to reality.. chem, zOoLogy,eng, fil..ano pa ba?? hehe!
hannahbanana_08...work hard and play hard..